Same Sex Marriage
Ang kasal ay isang espesyal na
pagbubuklod na pagbubuklod ng dalawang nagmamahalang indibidwal na nagpasyang
magsama habang buhay. Ito ay protektado ng batas at isang mahaagang institusyon
ng lipunan. Subalit nitong mga huling buwan naging mainit na usapin sa ating
bansa kung dapat bang ipasa ang Same Sex Marriage sa ating bansa. Kabi-kabila
ang mga opinyon na ipinarating na ipinarating ng ating mga kababayan. Samu’t
saring mga pagbatikos at pag sangayon ang
natamo ng panukalang ito mula sa ating netizens mula sa mga social
networking sites. Marami ang nagalit at tumutol ngunit marami rin naman ang
natuwa at sumangayon.Laganap na sa ating bansa ang mga bading at mga lesbiyana
o mas kilala bilang thirdsex sa panahong nating ito. Hindi naman natin
masasabing salot sila sa ating lipunan dahil nakatutulong sila sa pag-unlad ng
ating bansa. Unti-unti silang nata-tanggap ng ating lipunan, pero sa
pagpapakasal nila sa kapwa nila babae o lalake, naayon pa ba sa mata ng mga
tao, sa mata ng batas, lalo na sa mata ng Diyos ang seremonyang ito?Ang Same
Sex Marriage ay isang panukalang batas sa ating bansa ngunit ito ay ganap na
ipinapatupad sa ilang bansa gaya
ng Estados Unidos. Ito ay naglalayong mabigyan ng karapatan na maikasal ang
nagmamahalang indibidwal na may parehong kasarian o tinatawag na “Lesbian, Gay,
Bisexual and Transgender “(LGBT). Ginawa ang panukalang ito para mabigyan ng
pantay na karapatan ang mga grupo ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and
Transgender)
Si Pangulong Barack Obama ang kauna-unahang
pangulo ng Estados Unidos na naging taga suporta ng panukalang ito anupat
kanyang nilagdaan upang maging ganap ng batas sa Estados Unidos. “I think same
sex couples should be able to get married”- ito ang binitiwang ni Pangulong
Barack Obama sa kanyang pahayag sa isang
programa sa isang telebisyon sa Estados Unidos. Ang pahayag niyang ito ay umani
ng papuri mula sa grupo ng mga LGBT, ngunit sa kabilang banda ito ay inatake ng
mga batikos at kritisismo mula sa kanyang mga kritiko anupat binansagan si
Pang. Barack Obama ng News Week Magazine sa bago nitong labas na isyu bilang
“first gay president”. Dahil sa pagiging ganap na batas ng Same Sex Marriage sa
Estados Unidos umaasa ang mga grupo ng LGBT sa ating bansa na maisasabatas din
ang panukalang ito anupat magbibigay daan ito sa kanila upang mabigyan sila ng
sapat na karapatan at pantay ng pagtrato. Ngunit marami ang bumabatikos sa
panukalang ito kung dapat ba talaga itong isabatas sa ating bansa. Matatandaan
na ang Simbahang Katoliko ang panugunahing bumabatikos sa panukalang ito anupat
naniniwla sila na ang pagsasabatas ng panukalang ito ay paglapastangan sa batas
at simulain ng Bibliya. Itinuturing ng
Simbahang Katoliko ang kasal bilang isang banal ng institusyon kung kaya’t
dapat itong galangin at respetuhin. Ayon sa kanila ang kasal ay para lamang sa
dalwang nagmamahalang indibidwal na may magkaibang kasarian na nagplaplanong
magsama pangabang buhay. Ang pagiisang dibdib ng isang babae at lalaki ay isang
sagradong batas at dapat lamang mangyari sa pagitan ng babae at lalaki.Dahil
sa pangunguna ni Rev. Ceejay
Agbayani sa seremonya ng pag-iisang dibdib ng mga bading at lesbiyana. sa Baguio City
ay naging maugong ang pangalan nito at
agad naman itong tinutolan ng Senado,
mga mamamayang Pilpino at Simbahang Katoliko. Ayon sa Simbahan, ang kasal para
kay Jesus ay nagpapahayag ng isang bagay na banal sapagkat hindi lamang ito
kasunduan na ginampanan ng lalaki at babae kundi ito ay binasbasan din
ngPanginoon upang maging isang sakramento na nagpapahayag ng pag-ibig ng
Diyos sa mga pumasok sa ganitong pagsasama. Ang sakramento ng kasal ay
nagpapahayag ng kagustuhanng Diyos na pumasok sa isang kasunduan sa atin upang
magkaroon tayo ng malalim naugnayan sa kanya, isang ugnayan na hindi mabubuwag
nang anuman o sino man sapagkat pinagiingatan ito ng Diyos. Ang kasal ay
para sa lalake at babae lamang dahil ang isa sa mga pangunahing layunin ng
sakramento ay para mabendisyonan ang pagpapatuloy ng pagdaloyng buhay ng tao.
Isang kalapastanganan sa Diyos ang mga gawaing taliwas sa kanyanglayunin lalo
na kung ang pagpapatuloy ng kanyang sinimulan ang ating binabago. Samakatuwid,
hindi angkop ang pagpapakasal ng pareho ang kasarian. Hindi rin kinilala
nang batas ang pag-iisang dibdib na isinagawa, dahil wala pang batas na
kumikilala saseremonyang ito. Ayon sa Family Code ng ating bansa, ang isang
pamilya ay binubuo dapatng isang ama, at isang ina na dumaan
sa seremonya para magsama, dahil dito nakakabahalaang pagdami nang mga
nagpapakasal nang pareho ang kasarian.Dagdag pa nila, ang Same Sex Marriage ay
magbibigay daan lamang para malapastangan ang mga simulain ng pagkakasal sa
pagitan ng babae at lalaki yamang dalawang kasarian lamang ang nilikha ng
Maylalang. “Marriage is the building blocks of the society”—ito ang binitiwang
pahayag ng Simbahang Katoliko sa kanilang pagtutuol sa pagsasabatas sa
panukalang Same Sex Marriage. Dagdag pa nila “Daang matuwid without God is a
dead end street. Only with God can we see real progress of people”(CBCP News).
May mga ilan ding kilalang personalidad na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa
panukalang Same Sex Marriage gaya
na lamang ni 1999 Miss Universe, First Runner-Up, Miriam Quiambao at Pambansang
Kamao, Manny Pacquiao. Sa pahayag ni , Miriam Quiambao sa kanyang Twitter account
sinabi niya “Homosexuality is not
a sin but it is a lie from the devil. Do not be deceived. God loves gays and
wants them to know the truth” ngunit ang pahayag niyang ito ay umani ng
kabi-kabilang batikos mula sa mga Pro-Same Sex Marriage netizens.
Sa kabila ng katotohanan na tutol
ang Simbahang Katoliko at ang maraming nating mga kababayan sa panukalang ito,
hindi maikakaila na may mga ilang Pilipino parin ang sumusuporta ditto lalong
lalo na ang mga miyembro ng LGBT. Umaasa sila na maisasabatas ang panukalang
ito sa ating bansa at magbibigay daan para mabigyan sila ng pantay na
karapatan. Ang mga taga suporta ng panukalang Same Sex Marriage ay naging bukas
sa pagpapahay na kanilang ng kanilang saloobin at pag sang-ayon sa panukalang
ito sa iba’t ibang blog site at social networking site. Mariin nilang
ipinahayag ang kanilang saloobin at pagka dismaya ng ilathala ng pahayagang
Manila Bulletin noong Hulyo 22, 2011 ang isang artikulo ni Fr. Bel San Luis na
pinamagatang “Making a Mockery of Marriage”. Sa artikulo niyang ito malinaw
niyang binatikos ang Same Sex Mariage sa
pamamagitang ng (…………). Mariin niya rin binatikos ang pagkakasal sa dalawang
indibidwal na may parehong kasarian sa Baguio Cito sa ilalim ng Mertopolitan Community
Church sa pangunguna ni Reverend
Ceejay Abayani ng LGBT
Christitan Church .
Ang artikulo niyang ito ay umani ng kabi-kabilang batikos mula sa mga kasapi ng
LGBT.
Bilang isang Pilipino at mamayan ng
bansang Pilipinas pananagutan at rsponsibilidad nating bigyang pansin ang
usaping ito at makibahagi sa mga talakayan tayo man ay “pro” o “anti” dahil
hindi natin maitatago ang katotohanang tayo ay apektado ano man ang maging
resulta ng panukalang ito. Sa kabila ng katotohan na tayo ay nasa demokratikong
bansa kung saan ang bawat isa sa atin ay may karapatang mamili kung ano ang
ninanais niyang gawin, tandaan nawa natin ang kalayaan ay ipinagkaloob hindi
upang gawin ang ninanais lang natin, sa halip ito ay ipinagkaloob sa atin upang
gawin kung ano ang tama at nararapat. Tandaan na kung ano man ang maging
desisyon ng nakakarami at ng pamahalaan sa panukalang Same Sex Marriage malaki
ang magiging epekto nito sa ating bansa at higit na lalo sa ating buhay kung
kaya’t higit na kinakailangang ito ay ating pagtuunan ng pansin.
can i include your piece to my thesis? ^_^
ReplyDeleteSure :) ,no problem :)
ReplyDeletePahiram nga din po . .hehehe
ReplyDeletesure no poblem :)
Deletepwede po bang gamitin to para sa debate po nmin
Deletename po ng author ?
Deletegaling naman :)
ReplyDeleteGusto ko sanang gamitin to sa research nmin sa filipino, Okay lang po ba?
ReplyDeleteGusto ko sanang gamitin to sa research nmin sa filipino, Okay lang po ba?
ReplyDeletemeron po ba kayong mga epekto ng pagpapalit ng kasarian?
ReplyDeletemeron po ba kayong mga epekto ng pagpapalit ng kasarian?
ReplyDeletePwede ko po bang i-include to sa papel pananaliksik namin sa Filipino? Salamat. Di ko po kakalimutan i-cite yung name niyo as Author :)
ReplyDeletepahiram mo neto para sa research paper ko sa filipino. .ok lang po ba. .??
ReplyDeletepahiram namn ako .. gagamitin ko sa english thesis ko ! ty.
ReplyDeletesure no poblem :)
DeletePwede pong gamitin ko ito sa aking gagawing talumpati?!
Deletetranslate ko na lang :)
ReplyDeletepwede ko po bang gawing reference ito sa research paper ko sa Filipino? Salamat po :)
ReplyDeleteKuya pwde pkuha ng idea sa thesis mo
ReplyDeletePwede pong pa copy din :) ang galing mo po ..
ReplyDeleteCan I use this for a compilation project?? I'll surely give credit~
ReplyDeleteI'm Sonja McDonell, 23, Swiss Airlines Stewardess with current 13 oversea towns, very tender with lots of fantasies in my wonderful job. I'm lesbian since I was in the 6th class & I've never regretted it. It's a milestone in a girl's life. But in the Philippines, the girls are too shy to discuss lesbian sex & to realize it.
ReplyDeleteSonjamcdonell@yahoo.com
May mai-rerecommend po ba kayong piece para sa balagtasan po namin? asap po sana salamat.
ReplyDeleteps. ang ganda po ng article nyo
May mai-rerecommend po ba kayong piece para sa balagtasan po namin? asap po sana salamat.
ReplyDeleteps. ang ganda po ng article nyo
Ate gusto ko rin po sanang mahiram ang article mo. Sa project lang namin. Thank you
ReplyDeleteate pwede ko po bang gamitin ang article mo sa project namin??
ReplyDeleteWow, ang gandang basahin po.
ReplyDeleteThank you for sharing this very informative article.
You enlighten us what's the truth.
Pwd po bang pahiram ng artikulo niyo para po sa debate namin bukas
ReplyDeleteCan i use this po para sa debate namin tom?
ReplyDeletePretty please😍 -A
Pwede po gamitin for research paper?
ReplyDeletecan i use this po for our debate?
ReplyDeletePwedi po ba ma hiram para sa research namin sa Filipino
ReplyDeletepahiram ako for our debate. pwede? : ))
ReplyDeletePahiram po, need ko lang po, pwede?
ReplyDelete