Saturday 23 February 2013

Ang Kontrobersiyal na Reproductive Health Bill


Ang Kontrobersiyal na Reproductive Health Bill

          Sino nga ba ang hindi mapupukaw ang atensyon kung usaping moralidad na ng buong bansa ang pinag uusapan? Ang kontrobersiyal na panukalang “Reproductive health and Population and Development Act of 2010″o mas kilala natin sa tawag na RH Bill na akda ni Cong. Edcel Lagman ay naging isang mainit na usapin sa senado maging sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Samot saring mga opinyon ang inani ng panukalang ito anupat naging aktibo ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa internet.                                 
            Tutol ang Simbahang katoliko at ilang mamayang Pilipino sa panukalang ito, sa kadahilanang nialalabag umano ng panukalang ang ilan sa mga simulain ng bibiliya may kinalaman sa usapin ng moralidad. Nilalabag nito ang ilan sa mga sampung kautusan ng Diyos gaya ng “ Thou shall not kill” at “Thou shall not commit adultery”. Ang pagtatalik  ay para lamang sa dalawang nagmamahalang  indibidwal na ikinasal sa ilalim ng basbas ng Diyos at ito ay pagpapahayag ng pagamahal nila sa isa’t isa. Ang sinumang nakikipag talik ng hindi kasal ay nagkakasala sa laman at sa mata ng Diyos kung kaya’t ganun na lamang ang pagtutuol ng Simbahang Katoliko at ilan nating mga kababayan sa Reproductive Health Bill dahil ayun sa kanila, ang panukalang Reproductive Health Bill ay magbubukas lamang ng pinto sa pagkakasala sa laman, aborsyon at pang aabuso sa mga kababaihan.
 Ayon sa simbahang Katoliko ang panukalang ito ay magbibigay daan lamang para lalong bumaba ang moralidad ng mga Pilipino gaya ng pagkakasangkot sa aborsyon, pagtatalik ng hindi kasal na tinukoy ng simbahang Katoliko ng mga nakakarimarim ng mga gawa at dahil ditto tinawag ng simbahan ang panukalang RH bill na “moral time bomb”. Dagdag pa nila ang “daang matuwid” na wala ang patnunbay at simulain ng Diyos ay gaya ng isang madilim na daan na puno ng patibong. Tanging sa daan lamang na kasama ang Diyos makikita ang tunay na kaunlaran.
            Ano ba ang  Reproductive Health Bill?Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo  para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak at angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.Layunin ng RH bill na matulungan ang mga mag-asawa na maabot ang nais nilang laki ng pamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak upang matigil na ang maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon.
Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng aboryon ito ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan at nais na bilang ng mga anak.Hindi maikakaila na parami ng parami ang mga kabataang magnanakaw, pusher/user ng ibat ibang uri ng droga kasama na ang pag singhot ng rugby, namamalimos sa kalsada, mga nagbebenta ng laman, nasasangkot sa aborsyon dahil sa kahirapan at hindi planadong pagbubuntis ng mag-asawa.Ang iniisip na iba na ang layunin ng RH Bill ay kontrolin ang populasyon. Hindi layon ng RH bill  na magkaroon ng population development o pagpapaunlad ng populasyon. Ang pagkontrol ng populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang pagpapagamit ng mga polisiyang pangpopulasyon na labag sa mga kagustuhan ng mga tao.
            Sa kabila ng pagtutol ng Simbahang Katoliko at ng ilan nating mga kababayan, ang ilan sa mga opisyal na pamahalaan at mga mamayang Pilipino ay pabor sa panukalang ito at patuloy itong isinusulong at ipinapabatid sa kaisipan ng mga Pilipino ang mga kabutihang idudulot nito kapag ito ay naging ganap na batas. Ang mga sumasang-ayon sa panukalang ito ay tinatawag na na “Pro-RH bill”, sila ay naniniwala na sa pamamagitan ng Reproductive Health Bill mababawasan ang lumalaking bilang nga mga kabataang na maagang nabubuntis, mga taong nagkakaroon ng HIV,AIDS at Sexual Transmitted Diseases(STD), mga pamilyang walang maipakain sa kanilang napakaraming anak at higit sa lahat naniniwala sila na sapamamagitan ng Reproductive Health Bill mabibigyan ng solusyon ang kahirapan sa Pilipinas. Sila ay naniniwala na ang pagbibigay kaalaman sa mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik o tinatawag na “sex education” ay magbibigay daan para matulungan ang mga kabataan na higit na maunawaan ang mga posibleng mangyari sa maagang pakikipagtalik gaya na lamang ng maagang pagbubuntis, pagkakaroon ng pamilya sa napakamurang edad at mga responsibilidad na kaaikibat nito at higit sa lahat ang posibilidad sa pagkakaroon ng ng sakit dahil sa pakikipagtalik na walang proteksyon. Hindi natin maitatago ang katotohanan na marami sa ating mga kabataan ang kulang ang kaalaman tungkol sa usapin ng pakikipag talik at basta-basta na lamang pumapasok sa mga gantong sitwasyon nang hindi batid ang mga posibilidad  na mangyayari. Marami ang nag aakala na sila ay hindi mabubuntis sa unang pagtatalik gayong malaki ang tsansa na mabuntis ang isang babae kahit sa unang pagtatalik pa lamang. Ayon sa isang pag aaral na isinagawa ng ilang mga mananaliksik , 16 na porsyento na mga kabataang babae sa Pilipinas na kinabibilangan ng 15 hanngang 24 taong gulang ay nasangkot sa “premarital sex” o maagang pakikipagtalik at noong taong 2011 sinasabing isa sa sampung mga kababaihan na nagbigay panganak sa bansa ay mga kabataang babae.(National Statistics Office) kaya ganun na lamang ang pagnanais ng ilan nating mga kababayan na isulong ang panukalang ito at maging ganap na batas. 
            Sa isang makasaysayang botohan, ipinasa ng dalawang sangay ng Kongreso nitong Lunes ng gabi ang Reproductive Health (RH) bill sa kabila ng mahigpit na pagtutuol dito ng Simbahang Katoliko."Our legislature took an historic vote today for women and families--as it successfully passed the Reproductive Health Bill," ayon sa MalacaƱang sa isang pahayag. "We thank our Senators and Congressmen who voted for access to information and care."
Sa botong 13-8 na boto, ipinasa ng Senado ang naturang panukala habang 133-79 boto naman na may pitong abstention ang nakuha nito sa Kamara. Bumotong “no” sa Reproductive Health bill sa Senado sina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senators Aquilino "Koko" Pimentel III, Antonio Trillanes IV, Manuel Villar, Bong Revilla, Vicente Sotto III, at Gregorio Honasan.Sa kabilang banda, “yes” naman ang boto nina Santiago, sina Sens. Edgardo Angara, Joker Arroyo, Pia Cayetano, Alan Peter Cayetano, Franklin Drilon, Francis Escudero, Teofisto Guingona III, Panfilo Lacson, Loren Loren, Ferdinand Marcos Jr., Francis Pangilinan, at Ralph Recto.
Magugunitang idineklarang “urgent” ni Pangulong Benigno Aquino III ang RH bill nitong nakaraang linggo para mapabilis ang pagpasa nito sa Kongreso. Naniniwala ang Palasyo na sinunod ng mga mambabatas ang kanilang konsensiya sa pagboto sa RH bill bagama't aminado ito na naging mainit ang mga diskusyon ukol dito."I know that we are heading in the right place by passing this measure," ani Sen. Pia Cayetano, ang sponsor ng RH bill sa Senado. Inialay niya ang pagpasa ng nasabing panukala sa mga babaeng mahihirap.Samantala, iginiit naman ni Arroyo na sa tingin niya, maraming ipinangangako ang panukala na hindi nito kayang tuparin."Sex is not the root of poverty and children, who are our joy, are not the cause of underdevelopment. Bad politics and bad government are more likely candidates for that distinction," ani Arroyo, na bumutong “yes” bagama't naglatag siya ng ilang kondisyon.
Iginiit naman nina Enrile, Estrada at Sotto na walang nag-impluwensya sa kanilang pagtutol sa panukala."This bill no doubt has inflicted a very wide chasm of division in our society for various reasons," ani Enrile, na nagpahayag na nababahala siya sa mga magiging epekto ng RH bill sa mga pamilyang Pilipino."Minors are being lulled into a false sense of security that it is okay to have sex so long as it is protected sex.  Wag  naman sana natin pahintulutan nag patuloy na pagbaba ng moralidad sa ating bansa," aniya.Humingi naman ng tawad sa Panginoon si Sotto sa ginawang pagpasa ng Senado sa RH bill. Aniya, hindi nito alam ang ginagawa nito.

      



















“Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food and tyrannized their teacher” –Socrates


“Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food and tyrannized their teacher” –Socrates

            Sa modernong panahon natin ngayon kung saan mabilis na umuusbong ang iba’t ibang uri ng makabagong teknolohiya hindi maikakaila na maraming mga kabataan ang nahuhumaling dito na tila yata sa teknolohiya na lamang umiikot ang kanilang mundo anupat nagiging prayoridad nila ito sa halip na ang pag-aaral. Kapansin-pansin din ang malaking pagkakaiba ng mga kabataan noon at mga kabataan ngayon. Bilang isang kabataan na namulat din sa makabagong teknolohiya ng aking panahon batid kong sa paglipas ng panahon mabilis na nagbabago ang ugali ng mga kabataan mula sa mabuti tungo sa masama. “Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food and tyrannized their teacher” –iyan ang winika na dakilang pilosopo  na si Socrates. Sa ating moernong panahon ngayon, hindi maikakaila na napakaaming mga kabataan ang suwail sa kanilang mga magulang, mga kabataang patulo na sinusuway at kinakalaban ang kanilang mga magulang. Bilang isang anak ng aking mga magulang hindi ko maitatago ang katotohanan na ako man din ay minsan nang nagin sakit sa ulo ng aking mga magulang at madalas na nnakikipagbangayan sa kanila. May mga panahon na ako ay naging makasarili at hindi inisip ang nararamdaman nila. Batid ko na marami sa ating mga kabataan ay minsan nang naging katulad kon minsan nang nagbigay nang hinanakit sa mga magulang. Minsan na nating nasaktan ang kanilang damdamin dahil sa pag gawa n gating mga saariling kagustuhan. Sa pagbibitiw ng mga salitang ito pinapaalalahanan ni Socrates ang mga kabataan na maunawaan ang kanilang mga tunay na tungkulin at responsibilad sa kani-kanilang mga magulang. Nais niyang mamulat tayong mga kabataan sa paghihirap na kanilang pinagdaraanan maibigay lamang ang ating mga layaw. Nakakalungkot malaman na marami sa mga kabataan ngayon ang hindi nakakaunawa at nakakakita sa paghihirap at pagsasakripisyo na pinagdaraan ng kanilang mga magulang. Patuloy tayong dumaraing at nagrereklamo na ibigay nila ang ating mga gusto at layaw at ang pinakamasaklap tayo ay nagkikimkim ng sama ng loob sa kanila o hindi sila kinikibo sa tuwing hindi nila nabibigay ang ating mga gusto. Huwag sana tayong maging manhid sa nararamdman ng ating mga magulang. Tandaan nawa natin na bilang mga anak tungkulin at responsibilidad natin sa ating mga magulang na ipadama sa kanila an gating magliw at di nagmamaliw na pagmamahal.

Same Sex Marriage: Dapat bang isabatas o hindi?


Same Sex Marriage
            Ang kasal ay isang espesyal na pagbubuklod na pagbubuklod ng dalawang nagmamahalang indibidwal na nagpasyang magsama habang buhay. Ito ay protektado ng batas at isang mahaagang institusyon ng lipunan. Subalit nitong mga huling buwan naging mainit na usapin sa ating bansa kung dapat bang ipasa ang Same Sex Marriage sa ating bansa. Kabi-kabila ang mga opinyon na ipinarating na ipinarating ng ating mga kababayan. Samu’t saring mga pagbatikos at pag sangayon ang  natamo ng panukalang ito mula sa ating netizens mula sa mga social networking sites. Marami ang nagalit at tumutol ngunit marami rin naman ang natuwa at sumangayon.Laganap na sa ating bansa ang mga bading at mga lesbiyana o mas kilala bilang thirdsex sa panahong nating ito. Hindi naman natin masasabing salot sila sa ating lipunan dahil nakatutulong sila sa pag-unlad ng ating bansa. Unti-unti silang nata-tanggap ng ating lipunan, pero sa pagpapakasal nila sa kapwa nila babae o lalake, naayon pa ba sa mata ng mga tao, sa mata ng batas, lalo na sa mata ng Diyos ang seremonyang ito?Ang Same Sex Marriage ay isang panukalang batas sa ating bansa ngunit ito ay ganap na ipinapatupad sa ilang bansa gaya ng Estados Unidos. Ito ay naglalayong mabigyan ng karapatan na maikasal ang nagmamahalang indibidwal na may parehong kasarian o tinatawag na “Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender “(LGBT). Ginawa ang panukalang ito para mabigyan ng pantay na karapatan ang mga grupo ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender)
            Si Pangulong Barack Obama ang kauna-unahang pangulo ng Estados Unidos na naging taga suporta ng panukalang ito anupat kanyang nilagdaan upang maging ganap ng batas sa Estados Unidos. “I think same sex couples should be able to get married”- ito ang binitiwang ni Pangulong Barack Obama sa kanyang pahayag  sa isang programa sa isang telebisyon sa Estados Unidos. Ang pahayag niyang ito ay umani ng papuri mula sa grupo ng mga LGBT, ngunit sa kabilang banda ito ay inatake ng mga batikos at kritisismo mula sa kanyang mga kritiko anupat binansagan si Pang. Barack Obama ng News Week Magazine sa bago nitong labas na isyu bilang “first gay president”. Dahil sa pagiging ganap na batas ng Same Sex Marriage sa Estados Unidos umaasa ang mga grupo ng LGBT sa ating bansa na maisasabatas din ang panukalang ito anupat magbibigay daan ito sa kanila upang mabigyan sila ng sapat na karapatan at pantay ng pagtrato. Ngunit marami ang bumabatikos sa panukalang ito kung dapat ba talaga itong isabatas sa ating bansa. Matatandaan na ang Simbahang Katoliko ang panugunahing bumabatikos sa panukalang ito anupat naniniwla sila na ang pagsasabatas ng panukalang ito ay paglapastangan sa batas at simulain ng Bibliya.  Itinuturing ng Simbahang Katoliko ang kasal bilang isang banal ng institusyon kung kaya’t dapat itong galangin at respetuhin. Ayon sa kanila ang kasal ay para lamang sa dalwang nagmamahalang indibidwal na may magkaibang kasarian na nagplaplanong magsama pangabang buhay. Ang pagiisang dibdib ng isang babae at lalaki ay isang sagradong batas at dapat lamang mangyari sa pagitan ng babae at lalaki.Dahil sa pangunguna  ni Rev. Ceejay Agbayani sa seremonya ng pag-iisang dibdib ng mga bading at lesbiyana. sa Baguio City ay naging  maugong ang pangalan nito at agad naman itong tinutolan ng  Senado, mga mamamayang Pilpino at Simbahang Katoliko. Ayon sa Simbahan, ang kasal para kay Jesus ay nagpapahayag ng isang bagay na banal sapagkat hindi lamang ito kasunduan na ginampanan ng lalaki at babae kundi ito ay binasbasan din ngPanginoon upang maging isang sakramento na nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa mga pumasok sa ganitong pagsasama. Ang sakramento ng kasal ay nagpapahayag ng kagustuhanng Diyos na pumasok sa isang kasunduan sa atin upang magkaroon tayo ng malalim naugnayan sa kanya, isang ugnayan na hindi mabubuwag nang anuman o sino man sapagkat pinagiingatan ito ng Diyos. Ang kasal ay para sa lalake at babae lamang dahil ang isa sa mga pangunahing layunin ng sakramento ay para mabendisyonan ang pagpapatuloy ng pagdaloyng buhay ng tao. Isang kalapastanganan sa Diyos ang mga gawaing taliwas sa kanyanglayunin lalo na kung ang pagpapatuloy ng kanyang sinimulan ang ating binabago. Samakatuwid, hindi angkop ang pagpapakasal ng pareho ang kasarian. Hindi rin kinilala nang batas ang pag-iisang dibdib na isinagawa, dahil wala pang batas na kumikilala saseremonyang ito. Ayon sa Family Code ng ating bansa, ang isang pamilya ay binubuo dapatng isang ama, at isang ina na dumaan sa seremonya para magsama, dahil dito nakakabahalaang pagdami nang mga nagpapakasal nang pareho ang kasarian.Dagdag pa nila, ang Same Sex Marriage ay magbibigay daan lamang para malapastangan ang mga simulain ng pagkakasal sa pagitan ng babae at lalaki yamang dalawang kasarian lamang ang nilikha ng Maylalang. “Marriage is the building blocks of the society”—ito ang binitiwang pahayag ng Simbahang Katoliko sa kanilang pagtutuol sa pagsasabatas sa panukalang Same Sex Marriage. Dagdag pa nila “Daang matuwid without God is a dead end street. Only with God can we see real progress of people”(CBCP News). May mga ilan ding kilalang personalidad na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa panukalang Same Sex Marriage gaya na lamang ni 1999 Miss Universe, First Runner-Up, Miriam Quiambao at Pambansang Kamao, Manny Pacquiao. Sa pahayag ni , Miriam Quiambao sa kanyang Twitter account sinabi niya “Homosexuality is not a sin but it is a lie from the devil. Do not be deceived. God loves gays and wants them to know the truth” ngunit ang pahayag niyang ito ay umani ng kabi-kabilang batikos mula sa mga Pro-Same Sex Marriage netizens.
            Sa kabila ng katotohanan na tutol ang Simbahang Katoliko at ang maraming nating mga kababayan sa panukalang ito, hindi maikakaila na may mga ilang Pilipino parin ang sumusuporta ditto lalong lalo na ang mga miyembro ng LGBT. Umaasa sila na maisasabatas ang panukalang ito sa ating bansa at magbibigay daan para mabigyan sila ng pantay na karapatan. Ang mga taga suporta ng panukalang Same Sex Marriage ay naging bukas sa pagpapahay na kanilang ng kanilang saloobin at pag sang-ayon sa panukalang ito sa iba’t ibang blog site at social networking site. Mariin nilang ipinahayag ang kanilang saloobin at pagka dismaya ng ilathala ng pahayagang Manila Bulletin noong Hulyo 22, 2011 ang isang artikulo ni Fr. Bel San Luis na pinamagatang “Making a Mockery of Marriage”. Sa artikulo niyang ito malinaw niyang binatikos ang Same Sex Mariage  sa pamamagitang ng (…………). Mariin niya rin binatikos ang pagkakasal sa dalawang indibidwal na may parehong kasarian sa Baguio Cito sa ilalim ng Mertopolitan Community Church sa pangunguna ni Reverend Ceejay Abayani ng LGBT Christitan Church. Ang artikulo niyang ito ay umani ng kabi-kabilang batikos mula sa mga kasapi ng LGBT.
            Bilang isang Pilipino at mamayan ng bansang Pilipinas pananagutan at rsponsibilidad nating bigyang pansin ang usaping ito at makibahagi sa mga talakayan tayo man ay “pro” o “anti” dahil hindi natin maitatago ang katotohanang tayo ay apektado ano man ang maging resulta ng panukalang ito. Sa kabila ng katotohan na tayo ay nasa demokratikong bansa kung saan ang bawat isa sa atin ay may karapatang mamili kung ano ang ninanais niyang gawin, tandaan nawa natin ang kalayaan ay ipinagkaloob hindi upang gawin ang ninanais lang natin, sa halip ito ay ipinagkaloob sa atin upang gawin kung ano ang tama at nararapat. Tandaan na kung ano man ang maging desisyon ng nakakarami at ng pamahalaan sa panukalang Same Sex Marriage malaki ang magiging epekto nito sa ating bansa at higit na lalo sa ating buhay kung kaya’t higit na kinakailangang ito ay ating pagtuunan ng pansin.

“Change will not come if we wait for other person or some other time. We are the one we’ve been waiting for. We are the change that we seek”


“Change will not come if we wait for other person or some other time. We are the one we’ve been waiting for. We are the change that we seek”                                                                      –President Barack Obama

            “Hello 2013! At goodbye 2012!”. Sumapit na naman ang bagong taon ayon nga sa isang kanta “Bagong taon ay mag bagong buhay”. Nakatitiyak ako na sa pagpasok ng taong 2013 marami sa atin ang naghahangad ng pagbabago sa ating buhay, sarili at higit sa lahat sa ating lipunan.“Change will not come if we wait for other person or some other time. We are the one we’ve been waiting for. We are the change that we seek” –ito ang hindi malilimutang mgaa salita na binitiwan ng pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama sa kanyang pahayag noong ika-4 ng Enero taong 2005 sa kanyang mga nasasakupan. Hindi maikakaila na kapit din sa ating  mga Pilipino ang binitiwang pananalita na binitiwan ni Pangulong Barack Obama yamang ang bawat isa sa atin ay naghahangad ng pagbabago sa ating buhay higit na lalo sa ating lipunan. Maging an gating mga ninuno at mga bayani ay inialay ang kanilang dugo’t buhay sa pagaasam na makamit ang pagbabago na matagal na nilang inaasam ay hanggang sa panahon natin ngayon, tayong mga Pilipino ay patuloy rin na nag aasam ng pagbabago sa ating lipunan. Dahil sa pagnanais natin na magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan at sa sistema ng atin pamahalaan patuloy tayong dumadaing sa pamahalaan at hinahanap ang mga pagbabago na kanilang ipinangako s atin. Walang katapusan ang ating pagrereklamo at pagdaing sa gobyerno haban tayo ay nag aantay lamang na biglang dumating ang pagbabago na gusto nating mangyari. Ngunit tamang bang iasa na lang natin sa kamay ng pamahalaan ang mga pagbabago na nais nating matupad? Dapat bang sila lang ang gumawa ng aksyon o paraan para magkaroon ng pagbabago? Hinding-hindi! Kung tuna yang ating pagnanais na makamit ang pagbabago sa ating lipunan kinakailangang handa nating baguhin ang ating sarili anupat handing ituwid an gating mga pagkakamali sa buhay. Paano makakamit ng isang bansa ang pagbabago kung ang mga mamayan nito ay walang intensyon na magbago anupat patuloy na ginagawa ang mga bagay na alam nilang mali. Sa pagbibitiw ng mga katagang ito batid ni Pangulong Barack Obama na hindi sapat na ang pamahalaan lamang ang kumilos maging ang mga mamayan ay kinakailangan din. Nais niyang maintindihan at maunawaan natin bilang isang mamayan ang ating mga tunkgulin at responsibilidad kasama na rito ang pagpapasimula ng pagbabago kahit sa mga simpleng paraan. Hindi na natin pa kailangang mag-antay na tamang panahon para simulan ang pagbabago sa ating sarili dahil anumang oras ay maari tayong gumawa ng mga hakbang kung papaano natin babaguhin ang uri ng ating pamumuhay.
            Lagi nating tandaan na tayo mismo ang pagbabago na ating hinahanap at hinihintay. Tayo mismo ang tagaguhit n gating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi nating isa-isip na magtatagumpay tayo kung ito’y ating nanaisin. Kapag tayo ay nalugmok ito ay dahil sa kagagawan natin at wala tayong dapat na sisihin kundi ang ating mga sarili. Sa kabila ng katotohanang, tila imposible nang makamit ang pagbabago na matagal na nating inaasam at pinapangarap, patuloy parin akong naniniwala na ang bawat isa sa atin ay hindi magsasawa at mapapagod sa pagpapasimula sa kanilang sarili. Lagi nawa nating isa-isip ang hirap na pinagdaan ng ating mga bayani at huwag nawang masayang ang dugo’t buhay na kanilang ipinuhunan makamit lamang ang pagbabago na matagal na nilang inaasam.

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”- Dr. Jose P. Rizal : Tunay pa nga ba ang katagang ito?


            “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”- Dr. Jose P. Rizal

            “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ilang bese mo na bang narinig o nabasa ang tanyag na   katagang iyan? Ilang milyong beses na marahil ito naisulat o sinabi ng mga Pilipino may pangalan o karaniwang mamayan man. Marami ang nagsasabi na gasgas na nga yatang maituturing ang pahayag na ito n gating pambansang bayani . Ngunit bagamat pal;asak na tila yata hindi parin nauunawaan ng marami sa ating mga kabataaban ang tunay na kahuluagn nito. Sa pahayag na ito  ipinahihiwatg ni Rizal, ang matibay  na pagtitiwala sa mga kabataang Pilipino. Alam niyang taglay ng bawat kabataang Pilipino ang di matatawarang kakayahan para higit na mapaunlad  ang ating bayan. Batid ni Rizal na ang bawat kabataang Pilipino ay may kakayahang mag pasimula ng pagbabago sa ating lipunan. Isang uri ng pagbabago kung saan makikinabang ang bawat Pilipino. Umaasa si Rizal na darating ang araw na bibigyan ng bawat kabataang Pilipino ng magandang kinabukasan at iwawagayway ang bandila ng Pilipinas, bilang tanda na tayo ay malaya na sa anumang anyo ng pang-aalipin. Sa pagbibitiw ng mga katagang ito nais ng ating pambansang bayani na mamulat ang mga kabataang Pilipino mula sa tunay na kalagayan n gating bansa at mula dito gawin ang buong makakaya para alisin ang bansang Pilipinas mula sa kinasasadlakan nito. Ngunit nasaan na nga ba ang mga kabataang tinutukoy ni Rizal na pag-asa ng bayan/? Sa kabila ng katotohanan na maraming mga kabataan ang talagang pasaway, batugan, iresponsable at rebelde sa kanilang mga magulang umaasa ako na mumulat at maiintindihan din nila ang kanilang mga pananagutan at tungkulin.  Paano nga ba maging kabataan na pag-asa ng bayan  gaya ng tinutukoy ni Rizal sa kanyang kataga? Simple lang! Kinakailangang  maging buhay sa ating puso’t isip ang pagnanais na masimulan ang pagbabago sa ating sarili dahil paano ka makapagpapasimula ng pagbabago sa iyong paligid kung sa sarili mo mismo ay hindi mo kayang magpasimula ng positibong pagbabago. Paano ka magiging pag-asa ng bayan kung inaaksaya mo ang iyong panahanon sa mga walang katuturang bagay. “Time is gold” ika ng nila, huwag na nating ipagpabukas pa an gating mga Gawain kung puwede naman nating gawin ngayon.
            Ikaw? Naniniwala kaba sa sarili mo na ang kabataan ay pag-asa ng bayan gaya ng paniniwala ni Gat. Jose Rizal?  Kung oo, sikapin nawa nating mga kabataan na huwag ng maka dagdag pa sa suliranin n gating bayan dahil tayo mismo ang taga guhit ng ating sariling kapalaran sa ating mga palad. Tandaan na tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaan ay hindi upang gawin ang bawat nais natin, ngunit upang gawin ang tama at nararapat.



Paglaganap ng Krimen sa Pilipinas: Hamon sa Bawat Pilipino


Paglaganap ng Krimen sa Pilipinas


            Sa panahon ngayon, tumataas na ang bilang ng krimeng nagaganap sa loob ng bansa. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng mga salat sa buhay, kundi pati narin ng mga nakakaangat. Dahil dito, kabilang ang Pilipinas sa isa sa mga bansa na mayroong pinakamaraming nagaganap na krimen taun-taon sa buong mundo. Kapansin-pansin ang mga krimeng nagaganap ngayon, tulad ng: pagpatay, pagnanakaw, panggagahasa, panloloko. Maraming Pilipino ang natatakot, naaalarma, at nangangamba. Sino ba sa atin ang hindi apektado ng krimen? Laging itong laman ng mga pahayagan, telebisyon, at radyo.


            Hindi natin maitatago ang katotohanan na may dahilan ang mga taong ito kung bakit patuloy nilang ginagawa ang mga bagay na alam naman nilang mali. Sabi nga ng karamihan, “nothing happens by chance” at “everything happens for a reason.” Hindi naman natin puwedeng sabihin na ‘trip’ lang nila kung kaya sila’y nagnanakaw, nanloloob o pumapatay, kumbaga ayon nga sa ibang kabataan, “kanya-kanyang trip ‘to, walang basagan ng trip.” Hindi rin tama na sabihin natin na nasa dugo na nila o nasa lahi na ng kanlang pamilya ang gumawa ng krimen dahil hindi naman ito “hereditary inborn”. Mali ring sabihin na pangarap ng isang indibidwal mula nung siya’y bata pa na maging magaling na manggagawa ng krimen. Walang pinipiling edad ang paggawa ng krimen. Kung tutuusin mas maraming mga kabataan ang nasasangkot sa pag gawa ng krimen, lalo na sa panahon ngayon. Ang pabata ng pabata na gumagawa ng krimen ay higit na nakakaalarma. Madalas nating nababalitaan sa ating telebisyon, radyo o pahayagan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa nakawan, o panloloob.     Kung ang ganitong pangyayari ay magpapatuloy, papaano na lamang matutupad ang iniwang kataga sa atin ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.” Ilang beses na ba nating narinig ang mga katagang ito? Ilang milyong beses na marahil ito naisulat o sinabi ng mga Pilipino, may  pangalan man o karaniwang mamamayan man. Maraming nagsasabi na gasgas na nga yatang maituturing ang mga pahayag na ito ng ating pambansang bayani. Bagamat palasak na, tila yata hindi parin nauunawaan ng marami sa ating mga kabataan ang tunay na kahulugan nito. Ang mga kabataan ngayon na tinutukoy ni Gat. Jose Rizal ay patuloy na nakikisangkot sa pagnanakaw, panloloob at paggawa ng krimen. Syempre, hindi tamang basta na lang natin husgahan ang mga kabataang ito at sabihing sila ay salot sa lipunan. Nakatitiyak kami na sa lahat ng mga ito ay may kanya-kanyang dahilan ang mga kabataang ito kung kaya’t hindi tama na basta na lang natin sila husgahan at sabihing sila ay mga salot ng lipunan

            Natanong niyo  gat sa inyong sarili kung bakit nila nagagawa ang mga bagay na ito? Marahil madami sa atin ang tinigtignan lang sila bilang mga masasamang tao at walang ginawang tama. Ngunit, sa negatibong panig na lang ba natin sila lagi titignan? Maaaring ang paggawa nila ng mga bagay na iyon ay hindi nila ginusto. Wala  gati bagay na ginagawa ng walang dahilan.Ngunit dahil sa kahirapan na matagal na nilang pinagtitiisan, tuluyan na silang  sumuko at nawalan ng  pag-asa kung kaya’t napilitan na lamang na gumawa ng krimen alang-alang sa kanilang mga pamilya na umaasang matutugunan ang kanilang kumakalam na sikmura. Naniniwala kami  gatin pa tawaging mga  gating ang mga taong gumagawa ng krimen, maging sila man ay may mga konsensiya din na nag-uudyok sa kanila kung tama ba o mali ang kanilang ginawa o gagawin. Naniniwala kami na sila din ay binabagabag ng kanilang konsensya o budhi sa t’wing sila ay gagawa ng krimen, ngunit dahil sa pagnanais na tugunan ang kumakalam na sikmura ng pamilya at ng kanilang mga pangangailangan, nilalalabanan nila ang pagkabagabag ng sarili nilang konsensiya hanggang sa maging  gatin ang kanilang puso’t pagkatao, kung saan hindi na sila tinatablan at binabagabag ng kanilang konsensya. Batid nila na ang kanilang  gati ay hindi tama at masama. Ngunit, para sa pamilya, nagagawa nilang tigasan ang kanilang mga mukha hanggang sa dumating ang panahon na sila ay masanay na sa kanilang maling  gati at mawalan ng takot sa posibleng mangyari sa kanila.Ayon nga sa iniwang  kataga ng dakilang pilosopo na si Aristotle, “Poverty is parent of crime and revolution.” Bakit ba mayroong mga nag rerebelyon? Iyon ay dahil nais nilang magkaroon ng pagbabago. Bakit? Marahil sila mismo ay nakakaranas ng kahirapan. Bakit mayroong mga aktibista? Mga aktibistang patuloy na nagbabangon ng mga suliranin at usaping pang lipunan para pagtuunan ng pansin  gating gobyerno, dahil alam mismo nila sa kanilang sarili na may maling sistemang nagaganap sa ating lipunan. Sa katulad na paraan kung bakit laganap ang krimen ngayon sa ating lipunan ay dahil sa kahirapan.

            Sa lipunan na ginagalawan natin ngayon, hindi maikakaila na umiiral ngayon ang sistemang matira-matibay o “survival of the fittest.” Ikaw ay talunan kung hindi ka marunong makibagay sa mundong iyong ginagalawan. Ikaw ay talunan kung hindi mo kayang makiayon o kumilos sa sistema ng ating lipunan na matagal nang umiiral. Para sa marami, maituturing ka na mahalaga sa lipunan o kapaki-pakinabang dito sa mundo kung ikaw ay may mataas na pinag-aralan, nakaangat sa buhay, may magandang bahay, kumikita ng malaki. Kung wala ka sa mga nabanggit hindi ka dapat pagtuunan ng pansin at ipagpalagay natin na ikaw ay hindi umiiral. Aminin man natin o hindi ganito ang uri ng kalakaran ang umiiral sa ating lipunan. Marami ang miyembro ng ‘Me First’ society na kinabibilangan ng mga taong ‘Maka-Ako’ (ako muna bago ikaw) o mga taong naniniwala sa “ang akin ay akin, ang iyo ay akin.” Sa madaling salita, umiiral ang mga taong gahaman o ‘yung mga taong ayaw na nalalamangan sila, lalo na ng mga taong tinuturing nila na mas mababa sa kanila. Mga taong sa kabila ng hirap na kanilang pinagtitiisan ay patuloy pa silang nilalamangan at ginigisa sa kanilang sariling mantika. Dahil sa marami ang naghihirap, marami ang nagugutom at kumakalam ang simura kung saan kadalasa’y idinadaan nalang sa tulog ang kalam ng sikmura, walang panustos sa pang araw-araw na pangangailangan dahil hindi sapat ang kinikita, mga hindi nakakapag-aral dahil walang pangmatrikula, hindi nakakabili ng gamot dahil ultimo pambili ng pagkain ay wala, mga taong humihingi ng tulong sa gobyerno na dapat naman talagang ipagkaloob sa kanila ngunit minsan ay napupurnada pa. Kaya hindi nakakagulat kung bakit laganap ang krimen sa iba’t ibang lugar. Dahil binubulag ng kahirapan ang mga hikahos sa buhay para gumawa ng krimen. Pinapadama ng kahirapan sa marami nating mga kababayan na tanging ang paggawa lamang ng krimen ang tanging paraan para masolusyunan at matugunan ang ating mga pangangailangan sa buhay. Nakakalungkot isipin na marami sa mga Juan dela Cruz ang hinayaan na lamang na bulagin ng kahirapan. Hinayaan nilang daigin  sila ng kahirapan at tuluyang tangayin tungo sa pinakamadilim na bahagi ng kanilang pagkatao.

Papaano ba mabuhay ang isang mahirap? Ang buhay ng isang mahirap ay kapit sa patalim. Gaya ng literal na paghawak ng patalim, ito ay mapanganib at kung hindi ka mag-iingat, maari kang mamatay. Sa madaling salita, hindi madali ang buhay ng isang mahirap. Ang buhay ng isang mahirap ay mahirap kung hindi mo alam at hindi ka sanay sa kalakaran alayan lipunan, ikaw mismo ay kakainin nito ng buhay, lalamunin ka mismo nito ng buong-buo dahil dito masasabi natin na ang kahirapan ay hamon sa bawat Pilipino. Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na pagandahin ang larawan ng bansa sa kabila ng matitinding suliranin, pero kung minsan ay tila nakakainsulto dahil sa kalabisan.Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa lawak ng kahirapan.Isa sa mga binago ay ang pinakamababang komposisyon ng pagkain ng mga nasa Metro Manila upang ang isang pamilya ay hindi mabilang na dukha.Sa dating panukat, ang food threshold sa almusal ay tortang itlog na may kamatis, kape para sa matatanda, gatas para sa bata at sinangag.Sa bagong panukat, ang dapat ihain sa almusal ay pritong itlog, kape na may gatas at kanin. Wala na ang gatas para sa mga bata. Marami ring nawala sa bagong panukat para sa tanghalian, meryenda at hapunan.( by Online Balita on Jan 18th, 2012)Dahil sa mga pagbabagong ito, bumaba ang katumbas na sustansiya mula sa kinakain ng mga Pilipino para hindi mabilang na dukha.
Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang pamilyang may limang miyembro para hindi mabilang na mahirap, mula sa dating P7,953.00 hanggang P7,017.00.Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mga mahihirap na pamilya ay “bumaba” mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon, at ang bilang ng mga mamamayang dukha ay bumaba ng isang milyon – mula sa 24.1 milyon hanggang 23.1 milyon. Hindi ba isa lamang ito malinawa na ebidensya na likas na sa atin na pagandahin ang tunay na larawan ng kahirapan? Anupat pilit na tinatakasan ang tunay nitong itsura?

            Sa aming pananaw, hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang kahirapan. Kahit ang 23.1 milyong lugmok sa kahirapan ay napakalaking bilang pa rin.Tinatalakay alaya ang paksang ito hindi para tuligsain ang pamahalaan kundi para ipakita na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.Ang unang hakbang para malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ay suliranin ng bansa at sulranin mismo sa ating buhay. Sa isang maysakit, walang magagawa ang sinumang manggagamot hangga’t hindi tinatanggap ng isang pasyente na siya ay may sakit.Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat bakit hindi tanggapin ng bawat isa sa atin na tayo ay mahirap, na alayang bansa ay mahirap at huwag mag maang-maangan sa tunay na larawan nito at kapag natanggap na ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito malaki ang posibilidad na tayo ay gumawa ng mga hakbang para mabigyan solusyon at malunasan ang suliraning ito.

            Hindi natin kasalan kung ipinanganak tayong mahirap, ngunit kasalanan natin kung mamatay tayong mahirap. Kung hahayaan natin na daigin na lamang tayo ng kahirapan at diktahan tayo kung anong uri ng pagkatao mayroon tayo, hindi malayong tayo ay maging mga alipin. Totoo! Ang bawat isa sa atin ay nakikibaka sa kahirap at nagnanais na makaahon mula rito. Sino ba ang may ayaw na makaahon at makawala sa kahirapan na kinasasadlakan ng bawat isa sa atin? Ang kahirapan ay hindi tinatakasan o tinatakbuhan, sa halip ito ay hinaharap at nilalabanan. Tuluyan tayong magiging alaya kung patuloy tayong magsisikap na makaahon sa kahirapan, kahit na para sa iba ay tila napaka-imposibleng mangyari.
Kung handan nating harapin ang kahirapan, anupa’t hindi ito tinatakasan nangangahulugan lamang ito na tayo ay naghahangad ng pagbabago sa ating lipunan. Siyempre kung naghahangad tayo ng pagbabago, nararapat lamang na ito ay magsimula sa ating sarili at hindi sa ibang tao. Change will not come if we wait for some other person or some other time. We are the one that we’ve been waiting for. We are the change that we seek. Tayo mismo ang tagaguhit ng ating sariling kapalaran sa sarili nating mga palad. Kaya kung tayo man ay nadapa o nagkamali sa ating buhay, ito ay dahil din sa sarili nating kagagawan. Wala tayong ibang dapat sisihin kundi ang ating mga sarili at hindi ang ibang tao.Tandaan na tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaa’y hindi upang gawin ang bawat naisin natin ngunit upang gawin ang tama at nararapat.

Introducing Me


During  my high school years until now, my life has changed dramatically. I've become a person who can take action in my life. I look at life, especially at this age, as time to experience new things. A time to get away from the same everyday routine, and enjoy the short time we have on earth.

I guess that's not really describing myself. So, well, I'm into RNB and pop music, which people don't expect to hear from me. Maroon 5 and Silent Sanctuary are my absolute favourite band. But I'm not anti-rock nor anti-metal music. I love the internet and I would prefer surfing the net than watching telenobela because I find it more entertaining. .

I enjoy romance and fiction movies and hate action especially gory movies that show people being injured and die in a horrible way. I just find it so disgusting to watch.

 I love reading and I do it all the time at school,  at the bus well, anywhere . so it’s  obvious that reading is one  my hobbies and I love using my spare time reading everything under the sun.  Since 4th year high school, I've read 26 books and that includes both local and foreign books. I even read erotic book like the 50 shades I hope you’re familiar of it actually I just finished reading  its trilogy  last week. I’m also glad to say that I even read Wattpad stories but it’s more on romance stories.

I am fan of the series of  Percy Jackson The Lightning Thief  and I really love its movie featuring Logan Lerman.
And also It would be my pleasure to share two of the great books I’ve already read

 I want to introduce to you this book, The Fault In Our Stars by jhon Green . The thing that I really like the most in his book is that it taught me  how to value our life and how we should be thankful that we have good health and we can do the things we really want because there are lot of people like Hazel Grace and Augustus Waters, the main character in the book, who can’t even do the simple things they want. It is highly recommended to those people who think their life has no worth to the point that they want to commit suicide .and the most sucking part is the ending, I wont tell you what happen to them because I don’t want to become a spoiler. I just want you to know that I cried in the ending and it took me 3 days to recover.

And this one, The Perks Of Being A Wallflower by Stephen Chbosky. This book is really good. Im sure teenagers will like it. so please do read this book :)

  I don't like people who don't read or say that reading is boring or stupid. It kinda insult me because I really find reading fun and trough reading we get to know the world around us and we are able to travel around the globe to meet new faces and have wondrous experiences we never encountered before. So why are they saying that reading is boring or stupid? I just don’t get them.

 I'm a good person and I do what I’m told by adults even if i don't want to. I think being polite to your elders is important.

I love daydreaming. I have good classmates, I have a loving family, but that doesn't mean that my life is perfect. My life is far from perfect. But I would say that my life is wonderful and I couldn't ask for more than what i already have.

I think some of the girls at school hate me. Maybe it's through jealousy or pure bitchiness. I don't know, and I don't really care

I have  true friends who go to different universities. They are fun in every way, and I love them so so much. I'd be lost without them.  They never fail to remind me that life doesn't always have to be so serious. Some times you need to break out of your shell and just have a good time.

I'm very opinionated, and I say what’s on my mind without thinking about the consequences

I'm creative, I'm imaginative, and I like to think that I have my fair share of intelligence. I'm always there for those people I love, like they are there for me. 




My biggest trait is being energetic. I put time and effort into everything I do, because I have so much of it.
I'm that type of person you talk to when there is no one else to talk
I'm a good listener and can give the side of the parent and of a kid.. I like to help other people, though sometimes it kind of overtakes my own problems. I'll admit right now that I work on other people's problems to get away from my own. I've been told I'm good with advice, I just never seem to be able to help myself. 




And there you got it!
This may or may not be what you want to hear when you asked me to describe myself, but either way, that’s me  Love me or hate me. ! I will always be Carolyn Daso the girl you might find boring or interesting.  Well, I'm still learning about myself everyday