Paglaganap ng Krimen
sa Pilipinas
Sa
panahon ngayon, tumataas na ang bilang ng krimeng nagaganap sa loob ng bansa.
Hindi lamang ito kinasasangkutan ng mga salat sa buhay, kundi pati narin ng mga
nakakaangat. Dahil dito, kabilang ang Pilipinas sa isa sa mga bansa na mayroong
pinakamaraming nagaganap na krimen taun-taon sa buong mundo. Kapansin-pansin
ang mga krimeng nagaganap ngayon, tulad ng: pagpatay, pagnanakaw, panggagahasa,
panloloko. Maraming Pilipino ang natatakot, naaalarma, at nangangamba. Sino ba
sa atin ang hindi apektado ng krimen? Laging itong laman ng mga pahayagan,
telebisyon, at radyo.
Hindi
natin maitatago ang katotohanan na may dahilan ang mga taong ito kung bakit
patuloy nilang ginagawa ang mga bagay na alam naman nilang mali . Sabi nga ng karamihan,
“nothing happens by chance” at “everything happens for a reason.” Hindi naman
natin puwedeng sabihin na ‘trip’ lang nila kung kaya sila’y nagnanakaw,
nanloloob o pumapatay, kumbaga ayon nga sa ibang kabataan, “kanya-kanyang trip ‘to,
walang basagan ng trip.” Hindi rin tama na sabihin natin na nasa dugo na nila o
nasa lahi na ng kanlang pamilya ang gumawa ng krimen dahil hindi naman ito
“hereditary inborn”. Mali
ring sabihin na pangarap ng isang indibidwal mula nung siya’y bata pa na maging
magaling na manggagawa ng krimen. Walang pinipiling edad ang paggawa ng krimen.
Kung tutuusin mas maraming mga kabataan ang nasasangkot sa pag gawa ng krimen,
lalo na sa panahon ngayon. Ang pabata ng pabata na gumagawa ng krimen ay higit
na nakakaalarma. Madalas nating nababalitaan sa ating telebisyon, radyo o
pahayagan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa nakawan, o panloloob. Kung ang ganitong pangyayari ay
magpapatuloy, papaano na lamang matutupad ang iniwang kataga sa atin ng ating
Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.”
Ilang beses na ba nating narinig ang mga katagang ito? Ilang milyong beses na
marahil ito naisulat o sinabi ng mga Pilipino, may pangalan man o karaniwang mamamayan man.
Maraming nagsasabi na gasgas na nga yatang maituturing ang mga pahayag na ito
ng ating pambansang bayani. Bagamat palasak na, tila yata hindi parin nauunawaan
ng marami sa ating mga kabataan ang tunay na kahulugan nito. Ang mga kabataan
ngayon na tinutukoy ni Gat. Jose Rizal ay patuloy na nakikisangkot sa
pagnanakaw, panloloob at paggawa ng krimen. Syempre, hindi tamang basta na lang
natin husgahan ang mga kabataang ito at sabihing sila ay salot sa lipunan.
Nakatitiyak kami na sa lahat ng mga ito ay may kanya-kanyang dahilan ang mga
kabataang ito kung kaya’t hindi tama na basta na lang natin sila husgahan at
sabihing sila ay mga salot ng lipunan
Natanong
niyo gat sa inyong sarili kung bakit
nila nagagawa ang mga bagay na ito? Marahil madami sa atin ang tinigtignan lang
sila bilang mga masasamang tao at walang ginawang tama. Ngunit, sa negatibong
panig na lang ba natin sila lagi titignan? Maaaring ang paggawa nila ng mga
bagay na iyon ay hindi nila ginusto. Wala gati bagay na ginagawa ng walang dahilan.Ngunit
dahil sa kahirapan na matagal na nilang pinagtitiisan, tuluyan na silang sumuko at nawalan ng pag-asa kung kaya’t napilitan na lamang na
gumawa ng krimen alang-alang sa kanilang mga pamilya na umaasang matutugunan
ang kanilang kumakalam na sikmura. Naniniwala kami gatin pa tawaging mga gating ang mga taong gumagawa ng krimen,
maging sila man ay may mga konsensiya din na nag-uudyok sa kanila kung tama ba
o mali
ang kanilang ginawa o gagawin. Naniniwala kami na sila din ay binabagabag ng
kanilang konsensya o budhi sa t’wing sila ay gagawa ng krimen, ngunit dahil sa
pagnanais na tugunan ang kumakalam na sikmura ng pamilya at ng kanilang mga
pangangailangan, nilalalabanan nila ang pagkabagabag ng sarili nilang
konsensiya hanggang sa maging gatin ang
kanilang puso’t pagkatao, kung saan hindi na sila tinatablan at binabagabag ng
kanilang konsensya. Batid nila na ang kanilang gati ay hindi tama at masama. Ngunit, para sa
pamilya, nagagawa nilang tigasan ang kanilang mga mukha hanggang sa dumating
ang panahon na sila ay masanay na sa kanilang maling gati at mawalan ng takot sa posibleng mangyari
sa kanila.Ayon nga sa iniwang kataga ng
dakilang pilosopo na si Aristotle, “Poverty is parent of crime and revolution.”
Bakit ba mayroong mga nag rerebelyon? Iyon ay dahil nais nilang magkaroon ng
pagbabago. Bakit? Marahil sila mismo ay nakakaranas ng kahirapan. Bakit
mayroong mga aktibista? Mga aktibistang patuloy na nagbabangon ng mga suliranin
at usaping pang lipunan para pagtuunan ng pansin gating gobyerno, dahil alam mismo nila sa
kanilang sarili na may maling sistemang nagaganap sa ating lipunan. Sa katulad
na paraan kung bakit laganap ang krimen ngayon sa ating lipunan ay dahil sa
kahirapan.
Sa
lipunan na ginagalawan natin ngayon, hindi maikakaila na umiiral ngayon ang
sistemang matira-matibay o “survival of the fittest.” Ikaw ay talunan kung
hindi ka marunong makibagay sa mundong iyong ginagalawan. Ikaw ay talunan kung
hindi mo kayang makiayon o kumilos sa sistema ng ating lipunan na matagal nang
umiiral. Para sa marami, maituturing ka na mahalaga sa lipunan o
kapaki-pakinabang dito sa mundo kung ikaw ay may mataas na pinag-aralan,
nakaangat sa buhay, may magandang bahay, kumikita ng malaki. Kung wala ka sa
mga nabanggit hindi ka dapat pagtuunan ng pansin at ipagpalagay natin na ikaw
ay hindi umiiral. Aminin man natin o hindi ganito ang uri ng kalakaran ang
umiiral sa ating lipunan. Marami ang miyembro ng ‘Me First’ society na
kinabibilangan ng mga taong ‘Maka-Ako’ (ako muna bago ikaw) o mga taong
naniniwala sa “ang akin ay akin, ang iyo ay akin.” Sa madaling salita, umiiral
ang mga taong gahaman o ‘yung mga taong ayaw na nalalamangan sila, lalo na ng
mga taong tinuturing nila na mas mababa sa kanila. Mga taong sa kabila ng hirap
na kanilang pinagtitiisan ay patuloy pa silang nilalamangan at ginigisa sa
kanilang sariling mantika. Dahil sa marami ang naghihirap, marami ang nagugutom
at kumakalam ang simura kung saan kadalasa’y idinadaan nalang sa tulog ang
kalam ng sikmura, walang panustos sa pang araw-araw na pangangailangan dahil
hindi sapat ang kinikita, mga hindi nakakapag-aral dahil walang pangmatrikula,
hindi nakakabili ng gamot dahil ultimo pambili ng pagkain ay wala, mga taong
humihingi ng tulong sa gobyerno na dapat naman talagang ipagkaloob sa kanila
ngunit minsan ay napupurnada pa. Kaya hindi nakakagulat kung bakit laganap ang
krimen sa iba’t ibang lugar. Dahil binubulag ng kahirapan ang mga hikahos sa
buhay para gumawa ng krimen. Pinapadama ng kahirapan sa marami nating mga
kababayan na tanging ang paggawa lamang ng krimen ang tanging paraan para
masolusyunan at matugunan ang ating mga pangangailangan sa buhay. Nakakalungkot
isipin na marami sa mga Juan dela Cruz ang hinayaan na lamang na bulagin ng
kahirapan. Hinayaan nilang daigin sila
ng kahirapan at tuluyang tangayin tungo sa pinakamadilim na bahagi ng kanilang
pagkatao.
Papaano ba mabuhay ang isang
mahirap? Ang buhay ng isang mahirap ay kapit sa patalim. Gaya ng literal na paghawak ng patalim, ito
ay mapanganib at kung hindi ka mag-iingat, maari kang mamatay. Sa madaling
salita, hindi madali ang buhay ng isang mahirap. Ang buhay ng isang mahirap ay
mahirap kung hindi mo alam at hindi ka sanay sa kalakaran alayan lipunan, ikaw
mismo ay kakainin nito ng buhay, lalamunin ka mismo nito
ng buong-buo dahil dito masasabi natin na ang kahirapan ay hamon sa bawat
Pilipino. Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na
pagandahin ang larawan ng bansa sa kabila ng matitinding suliranin, pero kung
minsan ay tila nakakainsulto dahil sa kalabisan.Isang halimbawa ang mga
ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa lawak ng kahirapan.Isa sa mga binago
ay ang pinakamababang komposisyon ng pagkain ng mga nasa Metro Manila upang ang
isang pamilya ay hindi mabilang na dukha.Sa dating panukat, ang food threshold
sa almusal ay tortang itlog na may kamatis, kape para sa matatanda, gatas para
sa bata at sinangag.Sa bagong panukat, ang dapat ihain sa almusal ay pritong
itlog, kape na may gatas at kanin. Wala na ang gatas para sa mga bata. Marami
ring nawala sa bagong panukat para sa tanghalian, meryenda at hapunan.( by Online Balita on
Jan 18th, 2012)Dahil sa mga pagbabagong ito, bumaba ang
katumbas na sustansiya mula sa kinakain ng mga Pilipino para hindi mabilang na
dukha.
Ibinaba rin ang poverty income
threshold o ang halagang dapat kitain ng isang pamilyang may limang miyembro
para hindi mabilang na mahirap, mula sa dating P7,953.00 hanggang
P7,017.00.Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mga mahihirap na pamilya
ay “bumaba” mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon, at ang bilang ng mga
mamamayang dukha ay bumaba ng isang milyon – mula sa 24.1 milyon hanggang 23.1
milyon. Hindi ba isa lamang ito malinawa na ebidensya na likas na sa atin na
pagandahin ang tunay na larawan ng kahirapan? Anupat pilit na tinatakasan ang
tunay nitong itsura?
Sa
aming pananaw, hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang kahirapan.
Kahit ang 23.1 milyong lugmok sa kahirapan ay napakalaking bilang pa rin.Tinatalakay
alaya ang paksang ito hindi para tuligsain ang pamahalaan kundi para ipakita na
ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.Ang
unang hakbang para malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ay suliranin
ng bansa at sulranin mismo sa ating buhay. Sa isang maysakit, walang magagawa
ang sinumang manggagamot hangga’t hindi tinatanggap ng isang pasyente na siya
ay may sakit.Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat bakit hindi tanggapin ng bawat isa sa atin na tayo
ay mahirap, na alayang bansa ay mahirap at huwag mag maang-maangan sa tunay na
larawan nito at kapag natanggap na ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito
malaki ang posibilidad na tayo ay gumawa ng mga hakbang para mabigyan solusyon
at malunasan ang suliraning ito.
Hindi
natin kasalan kung ipinanganak tayong mahirap, ngunit kasalanan natin kung
mamatay tayong mahirap. Kung hahayaan natin na daigin na lamang tayo ng
kahirapan at diktahan tayo kung anong uri ng pagkatao mayroon tayo, hindi
malayong tayo ay maging mga alipin. Totoo! Ang bawat isa sa atin ay nakikibaka
sa kahirap at nagnanais na makaahon mula rito. Sino ba ang may ayaw na makaahon
at makawala sa kahirapan na kinasasadlakan ng bawat isa sa atin? Ang kahirapan
ay hindi tinatakasan o tinatakbuhan, sa halip ito ay hinaharap at nilalabanan.
Tuluyan tayong magiging alaya kung patuloy tayong magsisikap na makaahon sa
kahirapan, kahit na para sa iba ay tila napaka-imposibleng mangyari.
Kung handan nating harapin ang kahirapan, anupa’t
hindi ito tinatakasan nangangahulugan lamang ito na tayo ay naghahangad ng
pagbabago sa ating lipunan. Siyempre kung naghahangad tayo ng pagbabago,
nararapat lamang na ito ay magsimula sa ating sarili at hindi sa ibang tao. Change
will not come if we wait for some other person or some other time. We are the
one that we’ve been waiting for. We are the change that we seek. Tayo mismo ang
tagaguhit ng ating sariling kapalaran sa sarili nating mga palad. Kaya kung
tayo man ay nadapa o nagkamali sa ating buhay, ito ay dahil din sa sarili
nating kagagawan. Wala tayong ibang dapat sisihin kundi ang ating mga sarili at
hindi ang ibang tao.Tandaan na tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaa’y hindi
upang gawin ang bawat naisin natin ngunit upang gawin ang tama at nararapat.
Like
ReplyDeleteano po yung gating?
ReplyDelete